Mga natutunan sa ikalawang semestre sa Ateneo

November 20, 2007

Eto ang aking mga nakalap na mga salita/kataga/pangungusap na nabanggit ng mga propesor/kapwa kamag-aral/kaibigan sa nakaraang isang linggo (at dalawang araw).

“Low-di-hay minus hay-di-low divided by the denominator squared.” Sir Mina, Math 19 professor

Hinding-hindi ko malilimutan ang quotient rule of differentation sa Calculus. Mahal ko na ang Calculus. Hurrah.

May isa pang hindi malilimutan ang Ma19 C.

“You’re laughing at me, ah?”

Nagsulat ng dalawang malaking panaklong (parenthesis) si Sir Mina sa pisara dahil mahaba ang isusulat na solusyon. Nagulat at natawa kami, sabay sinabi niya ang “You’re laughing at me, ah?” kaya naman natawa kaming muli.

* * *

“Chede ba? Wiz ako vaklush. -Gay Lingo; in layman’s terms: Pwede ba, hindi ako bakla.” natutunan mula kay Sir Tenorio, Fil 12 professor

Isa pang kasiya-siyang klase ang Filipino 12. Buhay na buhay ako dahil napakagaling magpaliwanag (at magpatawa) ng aming propesor. Sa sobrang galing, parang gusto ko nang tumayo at ipaglaban ang wikang Filipino (ang Lengua Estufida na bagay sa mga mutsatso’t mutsatsa – galing sa “Ang Klase sa Wikang Pambansa” na binasa sa amin sa Fil 12). May bonus ba para sa mga nabanggit sa itaas? :P

* * *

“Oh, McDunn…” – kinanta ni Sir Serrano, Lit 14 professor

Hindi ko na maalala ang kasunod sa salitang McDunn.

Ang Lit 14 ay Introduction to Poetry and Drama, at dahil ang mundo ng mga tula ay malapit sa puso ni Sir Serrano (ayon kay Miss de Pano), binigyan kami ng sample ni Sir kung paano nga ba magagawang musical play ang kwentong “The Foghorn.” Hindi lang ito ang pagkakataong biglang bumirit ng acting skills si Sir. Pati ang “Merchant of Venice” at “Julius Caesar” ay binigyan niya ng buhay. Magaling!

* * *

Magdaragdag ako kapag may interesante pang quotes. :D

Tags: , , , , , ,

4 Responses to “Mga natutunan sa ikalawang semestre sa Ateneo”

  1. Ian Says:

    Sinabi mo pa.

    Heidilow-lowdihay uberlow squared! Hahaha! :lol: mnemonics at its best! :)

    Talagang sinabi yan ng mga guro? Medyo…

    hmm…

    Parang may play! :)

  2. aby Says:

    Haha! Ang galing talaga ng mnemonic na yun. :D

    Wee, excited na ako sa play – kahit na hindi pa nakakapag-usap yung group kung ano ang play na gagawin namin. :)

  3. Ian Says:

    Alin? :-) Yung lowdihay minus haydilow uberlow squared? :lol:

    Hahah! :lol:

    Kami…wala pa. :) Ewan ko ba. :) drama. :mrgreen:

  4. aby Says:

    Oo, yung lowdihay[...]. :) Haba! :) )


Leave a Reply