Archive for June, 2007

Ako’y namamangha.

June 30, 2007

Ako’y tutula
mahabang-mahaba,
Ako’y uupo
tapos na po.

Sa unang pagbasa nitong maikling tula sa itaas, aakalain mong nagbibiro ang nagsasalita.

Sa ikalawa, ikatlo, o ika-apat na pagbasa, malalaman mo na… mali ang iyong akala. :D

Hanapin mo kung nasaan ang mahabang tula.

Propesor ko sa Fil11 si G. Allan Alberto N. Derain. At ako’y namamangha.

Bakit? Subukan mong i-type ang kanyang pangalan sa iyong search bar, at sabihin mo sa akin ang iyong napag-alaman. :D